6 Things in November That Changed My Life Forever



November 1, 2025. 9:00 AM.

Dito sa Pilipinas, ang araw na ito ay Undas—ang araw kung saan karamihan sa mga Pinoy ay nagpupunta sa sementeryo para bisitahin ang mga mahal sa buhay na yumao na. Isang solemn tradition. 

Pero ngayong umaga, ibang klase ang atmosphere sa bahay namin.

Gising ako pero puyat. Apat na oras lang ang tulog ko dahil kagabi, naglaro kami ng UNO! Ako, ang mga kids ko, at ang asawa ko. Para kaming bata, nagtatawanan at nag-aaway (dahil sa Draw 4, of course!) sa kalagitnaan ng November night. And guess what? Walang gadgets, walang scrolling. Just pure family bonding. My daughter even said, we should take some pictures. I asked her why and she told me because we are all 'present' and taking the time to play UNO. πŸ₯Ί

Ang sarap ng pakiramdam ng ganito. Ngayong araw, imbes na sementeryo ang puntahan, ang mga alaala ang binisita ko. Also, I don't really go na sa Cementeries simply because I know and acknowledge that when people die, they 'sleep' and will just awaken when the second coming of our Lord Jesus Christ comes. Saka, ang November kasi, para sa akin, hindi na All Saints’ Day. Ito ang buwan na nagdala ng pinakamalaking pagbabago, pagmamahal, at heartbreak sa buhay ko.

May anim na bagay na kapag naaalala ko ang November, talagang nagbabago ang mood ko. Mula sa tatay kong Scorpion (for those who believe in Astrology, I also don't believe in those anymore as I already have one True God), sa isang scandal sa pag-ibig, hanggang sa pagiging isang Work-From-Home Mom na lumaban para sa anak.

Tara, samahan nyo akong mag-reminisce in Taglish!


1. Ang Scorpion King: Boses, Kape, at si Papa

Si Papa Cesar. Ang November baby namin. Kung nabubuhay pa siya ngayon, 71 years old na sana siya. 

Namatay siya noong third year high school pa lang ako, pero ang impact niya sa buhay ko, napakalaki. (Naapektuhan big time studies ko. I should have been a silver medalist sa Manila Science but because of grief, sobrang bumaba performance ko sa school.)

Alam niyo ba, ang tatay ko, morning person siya, pero loud na morning person. Pagka-gising, bubuksan niya ang music—sobrang lakas! Ang boses ni Freddie Mercury at Queen ang magiging alarm clock namin. Magre-reyna ang mga kanta ni Engelbert Humperdinck, Frank Sinatra, at Nat King Cole sa buong bahay. Pero may isang banda na kapag narinig ko, parang instant time-travel sa bahay namin: ang ABBA.

Kahit anong kanta ng ABBA—Dancing Queen, The Winner Takes It All—parangnakikita kong nagkakape si Papa while listening to his favorite , loud music.

☕ Ang Kape ng Pagmamahal

Isa pang malinaw na memorya? Ang kape niya.

Ang tatay ko, ako lang ang pinapatimpla ng kape. Hindi niya inuutusan ang nanay ko, ang kapatid ko, o kahit sino pa. Ako lang. Nagsimula ako niyan, never na akong tumigil.

Naalala ko pa si Yaya Biring noon, sinasabi niya sa akin, “Alam mo, gusto talaga ng Papa mo ang timpla mo.” Grabe, super proud ako! Parang validation 'yun na may special connection kami. Kahit may tampuhan kami noon, ang kape ang nagiging bridge namin. Hindi na kailangan mag-usap; pag inihanda ko ang kape niya, okay na. Love πŸ«ΆπŸ» language namin 'yun.

Then one day, after asking me to prepare his coffee sabi niya upo ako sa lap niya. Dito na siya nagsimulang "magbilin" na kapag nawala daw siya bantayan ko daw maigi si Mama at baka kumuha ng asawang tomboy. Little that I know that's the last time I will speak to him that day. Very traumatic din sa akin ung memory na iyon kasi dumaan pa mismo sa harap ko ung isa sa pumaslang sa kanya. πŸ˜­


πŸ’” Ang Anghel na Dumating sa Gitna ng Gulo: Si Sheila

November din noong panahong nagkanda-leche-leche ang relasyon namin ng asawa ko (boyfriend ko pa lang noon).

May feeling ako. Ibang-iba ang kilos niya. For the first time, parang pinipilit niya akong umalis at bisitahin si Mama. Hindi siya ganu'n! Ang puso ko, nagwawala sa kaba. Alam kong may mali.

Pumunta ako sa apartment niya. Matagal bago niya binuksan ang pinto. Pagbukas, nakita ko: Half-naked siya. Naka-shorts lang o boxer shorts. At may napansin ako: Ang picture frame namin, nakatumba. Madilim ang apartment. Nag-init ang ulo ko, at parang may lakas na humila sa akin paakyat.

BAM! Doon ko nakita ang babae. (I trust what he said na walang nangyari sa kanya and my gut feel also tells me too!)

Umiyak ako nang umiyak sa loob ng apartment niya. Feeling ko, one-way street ang relasyon namin. Ako lang ang nagmamahal, ako lang ang nag-aadjust, ako lang ang clingy.

Pero sa gitna ng gulo, dumating si Sheila. Ang pamangkin ng asawa ko. Galing pa siya sa Los BaΓ±os, Laguna, nag-commute, para lang i-console ako. Umiyak ako magdamag sa kanya, at sa mga yakap niya, naramdaman ko na, “May nagmamahal pala sa akin sa pamilyang ito.”

Ang sinabi niya sa akin, hinding-hindi ko makakalimutan. Sabi niya, "Whatever you decide on this day, it will kind of mold your future." Isang simpleng sentence, pero iyon ang nagpabago sa pananaw ko. Sa huli, pinili kong manatili. Nag-heal, nagpatawad. Utang na loob ko sa kanya ang lakas na 'yun.


πŸ“… Ang Araw na Pinili Ko: Birthday ng Aking Bunso

Dahil sa sobrang pagpapahalaga ko kay Sheila, ginawa ko ang isang bagay na hindi ko in-expect.

November din ako manganganak sa second child ko. Dahil scheduled C-Section, nagkaroon ako ng choice sa exact date. Guess what date ang pinili ko? Ang birthday ni Sheila!

It was my personal way of saying thank you for being my guardian angel noong panahong durog na durog ako. Hindi ko alam kung alam niya na pinili ko ang date na 'yun para alalahanin siya, pero para sa akin, 'yun ang way ko para maging permanent ang koneksyon niya sa buhay namin. Ang araw ng kapanganakan ng anak ko, ay araw din ng tribute sa nagligtas sa puso ko.


πŸšͺ The Final Straw: Ang Manager na Umiyak sa 7-Eleven

November 2014.

Ito ang buwan na nag-submit ako ng resignation letter sa corporate job na pinagsilbihan ko nang pitong taon. Ito ang huling corporate job ko.

Mataas ang tingin ko sa sarili ko noon. I was at the top of my career. Traveling, meeting high-ranking people, at may sariling team. Tapos, na-promote ako sa isang newly-created role. Akala ko, ito na 'yun!

Pero doon nagsimula ang lason. Ang iba kong officemates, na mas matagal sa akin sa kumpanya, biglang nag-iba ang pakikitungo.

Naalala ko si Miss V. Dati, kami ni Sir D ang kasama niya sa pantry. Pero noong naging Manager ako, ramdam na ramdam ko ang pag-iwas niya. Nagmamadali siyang kumain. Mabilis siyang nakikipag-usap sa akin pag dumadaan ako sa cubicle niya, parang ayaw niyang mag-prolong ang conversation namin. Ang sakit. Unti-unti, nauwi ako sa pag-iisang kumain.

Ang ending? Sa 7-Eleven ako kumakain, mag-isa.

Doon ako umiyak. Sobrang nakakahiya, pero pakiramdam ko, napakalungkot ko sa mundo ko bilang manager.

Ang final straw? Noong sinabi sa akin ng Director of Asia Pacific: "You are not special. You shouldn't be acting like one. Everybody goes to the office on time..." Mejo may tardiness issue na rin ako that time. Ang sakit. Hindi niya alam na gabi-gabi kaming Skype time ng asawa ko (na OFW sa South Korea) kaya puyat ako, at gumigising ako nang maaga para sumakay sa taxi araw-araw para lang makaiwas sa traffic at makarating nang "fresh" sa office pero ending late pa rin! πŸ˜ž

Hindi ko na gustong pumasok. Sabi ko, "Wala na ang ung dating saya ko dito."


🧩 A Blessing in Disguise: My Son's Diagnosis and the Acer Laptop

Noong nalaman ko ang Autism diagnosis ng anak ko, ito ang naging perfect reason ko para umalis. Hindi na ako nag-isip pa. Kahit nag-o-offer pa si Boss Dean na mag-hybrid setup ako (office/work-from-home), nag-quit ako. Alam ko umalis akong may tampo siya sa akin. 

Alam kong hindi sang-ayon ang asawa ko. Nagsisimula pa lang siyang mag-OFW, at nagsisimula pa lang kaming makaipon. Pero sa akin, walang presyo ang oras. Kailangan ako ng anak ko.

Doon nagsimula ang Work-From-Home (WFH) journey ko.

Isang linggo o dalawang linggo pagkatapos matanggap ang final pay ko, bumili ako ng maliit na Acer laptop. Ito ang naging office ko. Ito ang naging portal ko.

🀝 Ang Barter Trade: VA Service for ABA Therapy

Ang unang naging "clients" ko? Ang ABA Therapists ng anak ko.

Naalala ko, tiningnan ko ang Facebook page nila. Sabi ko, “Sayang, they need more engagement to help more kids.” Dahil mabilis na lumalaki ang gastos namin sa therapy sessions, nag-pop up ang ideya:

“Kaya ko na ang social media niyo. Kaya ko ang VA tasks. I-trade na lang natin sa ABA sessions ng anak ko.”

At pumayag sila!

Kaya imbes na magbayad ako ng ₱500 to ₱750 per 2-hour session, ako naman ay nagta-trabaho ng 5 hours of Social Media VA work para sa 5 hours of free therapy para sa anak ko.

Hitting two birds with one stone! Naging Social Media Virtual Assistant ako, at the same time, hindi na ako nag-cash out for the crucial early intervention ng anak ko.

Highly recommended laptop for Virtual Assistants Who Are Just Starting Out! (Order here)


πŸ—£️ Ang Advocacy ng Isang Nanay: Teacher Matt at Teacher Marco

Ang ABA therapists ng anak ko—sina Teacher Matt at Teacher Marco (graduate sila ng PUP, kung hindi ako nagkakamali)—ay tunay na dedicated (Thank you ulit sa BES Buddies). Never silang tumigil mag-aral at mag-improve.

Dahil sa barter trade namin, nakita ko ang passion nila. At dahil nanay ako, nakita ko ang kakulangan sa therapy system sa Pilipinas.

Sabi ko sa kanila: “Ang therapy sessions, 2 hours lang. Pero ang oras namin sa anak namin, 24 hours. Bakit hindi kayo mag-offer ng Paid Trainings for Parents? Dapat alam din namin kung paano i-handle ang mga bata sa bahay, sa school, at sa mall!”

Natuwa ako dahil pinakinggan nila ako. Hindi lang ito nagbigay ng another source of income sa center nila, nagbigay din ito ng empowerment sa mga magulang. Dati, walang nag-o-offer niyan! Puro session lang. Ngayon, dahil sa kanila, mas maraming parents na ang may knowledge at power na tulungan ang anak nila.

Speech Breakthrough

At totoo ang sinabi ko: Sila ang naging dahilan kung bakit nagsalita ang anak ko!

After two months ng ABA sessions sa kanila, nagsalita na ang anak ko. Walang nagawa ang speech therapists after 3-6 months, pero ang ABA? Resulta agad! Hindi ko na maalala ang exact first words niya, pero alam kong tungkol sa pagkain, gatas, o tubig 'yun.

Sila ang heroes ko. Sila ang nagpatunay na ang pagiging work-from-home mom ko ay hindi lang para sa career, kundi para sa advocacy ko.

Ano Ang November Moment Mo?

Ngayon, ikaw naman!

  1. Saan ka humuhugot ng lakas para maging WFH Mom?

  2. Sino ang "Sheila" mo noong panahon na feeling mo mag-isa ka?

  3. Anong ABA/early intervention advice ang maibibigay mo sa kapwa mo magulang?

Share this blog post sa Facebook groups ninyo—baka makatulong ang story ko sa isang mom na nagdadalawang-isip pa! Don't forget to check out the links above for the budget-friendly WFH gear and the incredible Parent Training programs (highly recommended!).

Let's connect, because we are stronger together.

Comments